Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph Official Thread
by
blockman
on 08/03/2020, 21:45:13 UTC
Pwede din kasi na yung mga ibang websites na pinagsa-sign up natin doon mismong nanggagaling yun. Di ko ako naniniwala na inside job yung ganito pero kung ganun man, darating ang araw na sila mismo babagsak kung inside job yung nangyayari pero parang hindi naman. Malaman naman akong narereceive na ganyang mga email at hindi rin naman ako pala-sign up sa mga websites na vinivisit ko. Kaya tingin ko doon din yan mismo galing sa mga airdrops, o di kaya yung mga post sa social media na giveaway tapos nanghihingi ng email.
Importante talaga na meron kang main at alternate emails. Syempre gagamitin mo lang yung main mo sa mga legit and trusted companies at yung dummy emails mo naman ay para lang sa mga bounties, airdrops at kung meron kang gustong subukang new platforms/sites.
Nga oopen lang ako ng mails kapag may inaasahan akong confirmations o verifications. Kaya dapat iwasan nating mag click ng basta-basta at alam din natin kung ano mga dapat icheck para makaiwas sa mga ganitong modus na scamming/hacking...
Sa akin yung main email ko di ko talaga ginagamit sa ibang websites o di kaya related din sa crypto kaya wala naman akong narereceive na kahit anong alerts o phishing. Siguro nasa sa atin na din at alam naman natin kung nag sign up tayo sa kung ano anong website.
Maganda rin na mai-report din kay coins.ph yung mga ganitong email para at least aware parin sila na meron at meron pa ring mga manloloko na ginagamit pangalan nila.