Malabo yung ganitong proposal lalo na kung Meralco, Maynilad, Manila Water ang pag-uusapan. Pag-inimplement man ito tiyak ako na babawiin nila satin yung mga "libre" sa atin. Other proposal of course is yung work from home at chaka yung skeletal work force, ito sure naman ako na ma-iimplement ito lalo na pag-lumala yung sitwasyon sa loob ng company. Yung work from home malabo sa mga may trabaho na involve yung physical work so baka mag skeletal nalang sila. But either way during this time of lockdown hindi natin makikita yung business as usual ng mga company and kailangan nila tanggapin yung mga adjustments para na din sa kaligtasan ng empleyado nila.
Honestly di sya malabo kundi negative talagang mapagbigyan. Pero kung adjustments baka puwedeng may ibigay
"sana".
Other proposal of course is yung work from home at chaka yung skeletal work force, ito sure naman ako na ma-iimplement ito lalo na pag-lumala yung sitwasyon sa loob ng company. Yung work from home malabo sa mga may trabaho na involve yung physical work so baka mag skeletal nalang sila. But either way during this time of lockdown hindi natin makikita yung business as usual ng mga company and kailangan nila tanggapin yung mga adjustments para na din sa kaligtasan ng empleyado nila.
Actually may mga company na nagpa-work from home na prior pa nung tumaas iyong bilang ng confirmed cases dito sa atin. Pero di talaga lahat may kakayahan mag work from home kasi karamihan wala ring work station sa bahay or kahit low specs pc kaya pumapasok pa rin iyong iba. Ewan ko lang paano diskarte nila kapag tuluyan na talagang sinuspinde ang pasok.
Guys dagdag info lang, kung may kakilala kayo member ng S&R or Landers, puwede kayo magpasabay ng alcohol. 2 bottles limit per customer pero puwede naman pabalik-balik although I doubt may gagawa nyan kasi ang haba ng pila kaya sama na lang kayo sa kanila since puwede naman pumasok kahit di member basta may kasamang member (up to 2 persons yata). Marami pa stock kahapon lang sa Landers doon kami bumili. Php140 1 liter 70%. Iyon nga lang kung malayo kayo sa mga store na yan e wag na at sayang pamasahe. Malapit lang din kasi kami sa isang branch nila.