Kaya lang nangyari na eh and paulit ulit ko rin nasabi sa kanila na it is against my will, sinabi ko rin na siguro enough na yung 2014 pa ako member at since day 1 eh nagcomply na ako to provide the necessary requirements kaya nga naging level 3 verified ang aking account. Nadismaya na rin ako kasi parang ang dating compulsory na yung video call na yun. Di lang naman sila pwedeng pagpalitan ng crypto natin. At saka practically speaking ang taas ng spread nila sa buy and sell.
Wala tayo magagawa kasi sila talaga masusunod. They have the right to change the terms and conditions, magdagdag o magpatupad ng new rules sa pag gamit ng kanilang serbisyo. Meron na rin ako nabasa sa Coins.ph thread na ibang users na inaccept yung video call at ayos lang din naman sa kanila at sa kagustuhan na rin to continue using the service. Pero kung ayaw mo talaga, deal with it na lang desisyon mo naman yan. Nasa level 3 na rin yung limit ko, so far wala naman sa akin nag request ng video call. Kung makakatanggap man ako kung sakali, tatanggapin ko upang maipagpatuloy ko lang ang pag gamit ng kanilang service.
Sabagay magkaiba tayo ng opinyon dito, dahil para sa akin reaching the lv 3 verification is enough at yung paghingi nila ng video interview para sa akin ay sumasaklaw na ng aking privacy, so no regret I Totally forget my coins.ph account.