Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
by
Baby Dragon
on 04/04/2020, 09:43:06 UTC
Buhay pa din pala sila? Mukhang hindi pa din nasusugpo ng government or nahuhuli yung mga kawatan na namumuno nitong Ponzi Scheme na ito ah? Well, mukhang lalong malabong mahuli tong mga to ngayon lalo na sa nangyayari sa ating bansa ngayon dahil sa COVID-19. Halang din talaga yung bituka ng mga taong nagpapatakbo nitong Bitcoin Revolution ano? May pandemic na sa buong mundo pero nasisikmura pa din nilang manloko ng kapwa nila at gumamit ng mga pangalan ng mga artista para lang makahikayat sila ng marami pang taong maloloko. Grabe lang.  Angry
Hindi naman na bago sa mga taong mapansamatala yan, hindi nila palalagpasin yung pagkakataon na gaya nito na paniwalain ang mga tao kikita sila sa madaling paraan. Lalo na't marami sa atin ngayon ang namomronlema financially. Hindi ko nga lubos maisip kung gaano sila kagahaman kasi kahit sa panahon ng crisis ay hindi naging hadlang para ituloy nila yung mga plano nila. Ito yung dahilan kung bakit dapat maging aware tayo kasi kahit yung awtoridad ay nahihirapan na sugpuin sila. Dapat matuto ang mga tao na maging wise kasi hindi lahat sa panahon ngayon ay totoo, maraming tao diyan ang naghahanap lang ng tyempo para mahulog kayo sa mga patibong nila. Kung tutuusin nga hindi ito kapani paniwala pero kung desidido ka talaga na magkapera, hindi malabong mahulog ka sa ponzi scheme na ito.