Sa tingin nyo kaya mag eextend pa tayo? Gusto ko na bumili ng mga pangangailangan sa bahay pero walang mabilhan dahil halos sarado lahat.
Kung ako ang tatanungin, mas pipiliin kong mag extend hanggat hindi pa naipapatupad nang maayos yung MASS TESTING.
Ahm, pwede din siguro mag extend pero pause muna ng 3 days pahinga kumbaga para makapag restock ang lahat, I mean magkaroon ng konting pagluwag sa pagbabantay para makapasok ung mga deliveries.
Atska actually yang Mass Testing na yan, hindi ako tiwala dyan sa totoo lang. Mag kocause lang lalo yan ng panic dahil pag yan pumalpak nganga na naman ang lahat. For example mag positive ang isang nilalang pero un pala palyado lang ung device.