Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [MEGATHREAD] Pilipinas Coronavirus/COVID-19 Thread
by
GDragon
on 24/04/2020, 01:30:28 UTC
Ahm, pwede din siguro mag extend pero pause muna ng 3 days pahinga kumbaga para makapag restock ang lahat, I mean magkaroon ng konting pagluwag sa pagbabantay para makapasok ung mga deliveries.

Atska actually yang Mass Testing na yan, hindi ako tiwala dyan sa totoo lang. Mag kocause lang lalo yan ng panic dahil pag yan pumalpak nganga na naman ang lahat. For example mag positive ang isang nilalang pero un pala palyado lang ung device.

Kaysa naman siguro walang mass testing mas nganga lahat. Ang dapat dito, mass testing with an ACCURATE testing kit. Yung sure na tama ang lalabas. Kung madaming mag positive after the testing, magpapanic ang ilan pero hindi ba't mas okay na nakilala na natin kung sinong may dala ng sakit? Hindi na siya mamamalengke or mag gogorocery kasi alam na niyang carrier na siya ng virus. Kaysa naman patuloy na kumalat yung virus kasi hindi na-test 'yung mga asymptomatic positive patients, magpapatuloy ang hawaan. Mas malalaman natin kung anong sunod na hakbang with accurate testing. Mas matatapos 'to nang mas mabilis.

Kasi kung matatakot tayong mag testing dahil magpapanic ang lahat. Forever tayong magtatago sa loob ng bahay dahil hindi natin makikita kung nasaan ba talaga ang kalaban, kailangan nating makita ang virus para makaiwas tayo. Testing ang sagot dun. Kaya ang ipagdasal natin, sana dumami na 'yung accurate testing kit.


For those who are still studying, since Mass Promotion is an issue due to COVID-19, may I ask if pabor ba kayo dito?


Pabor din ako, pero dapat merong malinaw na memorandum kung paano papasa ang isang estudyante. Nabasa ko kasi na kaya lang sila against sa mass promotion kasi wala silang policy. Hindi ba dapat gumagawa na silang policy para dun? Against sila dahil lang walang policy?

Hindi ko rin kasi alam kung paano ba idedecide na ipasa ang isang estudyante, Paano ang ibang estudyante na hindi naman pumasok or with failing grades before the quarantine, ipapasa din ba siya, hindi ba yon unfair sa ibang estudyanteng nag work hard this sem? Kung bibigyan siya ng extra work during the quarantine para pumasa, meron ba siyang kakayahang gawin ang work na yun? signal, wifi, at enough resources to comply?

Kailangang linawin ng ched ang lahat. Kung ayaw naman nila ng mass promotion, itutuloy ba nila ang sem habang wala pang kasiguraduhang tapos na ang crisis? Online class ba? Kung online class kasi mapag-iiwanan ang ibang walang resources, nasa krisis tayo at parang magiging kasalanan nilang mapag-iiwanan sila dahil don.