Post
Topic
Board Pilipinas
Merits 2 from 1 user
Re: [MEGATHREAD] Pilipinas Coronavirus/COVID-19 Thread
by
plvbob0070
on 25/04/2020, 10:35:13 UTC
⭐ Merited by cabalism13 (2)
Also as a student, hindi maiiwasan na may mga teacher na nagpapa activity online which is not good for everyone. Hindi lahat kaya gumastos para sa load, wifi, at hindi lahat may resources to do online activity. Sana maintindihan ng mga professors yun.
Medyo hindi ako sang ayon dito lalo na para sa mga pinapaaral lang ng magulang. Well, hindi naman talaga dapat gumastos sa pag aaral, pero kung ang studyante ay nasa mga semi or private talaga na unibersidad abay kalokohan naman atang magrereklamo ka sa mga gastusin at hindi handa sa mga extra extra at chechebureche ng mga prof. Lalo na kung isa ka lang dakilang palamunin at paaral, at kailangan mo lang gaein ay sabihin ito sa guardian at ang obligasyon mo ay mag aral. Wala din namang naitutulong ang pagrereklamo dahil una pa lang nandyan na yan. Kung ayaw gumastos feel free na lumipat o di kaya magpatayo sila ng sarili nilang school.

Ang studyante dapat nagaaral lang maliban kung pinapaaral at binubuhay nya sarili nya tulad ko LoL. Hindi yan dapat sumasalu sa kung ano anong katarantaduhan katulad ng rally o kung ano mang negatibo na hnd naman nakakatulong sa ekonomiya.

May point naman na kung sa private ka nag-aaral dapat prepared ka sa mga miscellaneous and extra expenses kahit pa sabihin natin na scholar ka lang. Hindi naman din talaga maiiwasan na hindi gumastos kasi nag-aaral ka. Kahit public, gagastos at gagastos ka. Pero I understand parin yung iba na kahit sobrang kapos, pinipilit parin mag-aral para makatapos.

Naiintindihan ko kung ang ibang estudyante at ang kanilang pamilya ay walang wala talaga since hindi naman lahat may kaya. Pero ang ayoko lang din ay yung mga estudyante na nagrarally, na tipong lahat ng reklamo ay dinadaan sa rally. As a student, normal magreklamo pero hindi naman lahat kailangan dinadaan sa pag rarally. Pero kahit ayaw natin, hindi naman natin sila mapipigilan dahil yun ang paniniwala nila.

Ako nga, kapag meron, minsan pinapaloadan ko ang mga kaklase ko pag kailangan nila kunwari pag may activity (para hindi na sila lalabas), pero syempre need parin nilang bayaran kapag nag resume na ang klase.