Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [MEGATHREAD] Pilipinas Coronavirus/COVID-19 Thread
by
TagaMungkahi
on 25/04/2020, 13:02:43 UTC
Also as a student, hindi maiiwasan na may mga teacher na nagpapa activity online which is not good for everyone. Hindi lahat kaya gumastos para sa load, wifi, at hindi lahat may resources to do online activity. Sana maintindihan ng mga professors yun.
Medyo hindi ako sang ayon dito lalo na para sa mga pinapaaral lang ng magulang. Well, hindi naman talaga dapat gumastos sa pag aaral, pero kung ang studyante ay nasa mga semi or private talaga na unibersidad abay kalokohan naman atang magrereklamo ka sa mga gastusin at hindi handa sa mga extra extra at chechebureche ng mga prof. Lalo na kung isa ka lang dakilang palamunin at paaral, at kailangan mo lang gaein ay sabihin ito sa guardian at ang obligasyon mo ay mag aral. Wala din namang naitutulong ang pagrereklamodahil una pa lang nandyan na yan. Kung ayaw gumastos feel free na lumipat o di kaya magpatayo sila ng sarili nilang school.

Ang studyante dapat nagaaral lang maliban kung pinapaaral at binubuhay nya sarili nya tulad ko LoL. Hindi yan dapat sumasalu sa kung ano anong katarantaduhan katulad ng rally o kung ano mang negatibo na hnd naman nakakatulong sa ekonomiya.
Seryoso ka ba sa pinagrereply mo?  Unang una sa lahat hindi lahat ng tao katulad mo na kayang mag sustento sa sarili niyang pag aaral. Ikalawa, Hindi rin lahat ng nag susustento sa sarili niya ay kaya gumastos para sa resources para makapag aral sa bahay at makapg submit ng school works, marami sa mga may trabaho katulad ng service crew(na kadalasang trabaho ng mga working student) ay nawalan ng trabaho dahil merong ECQ.
May nagagawa ang pagrereklamo, lalo na sa mga ganitong bagay dahil tinatanggal ng pagkakataon ang mga mag aaral na makapag aral ng maayos. Ibang usapin din ang pagrarally at higit sa lahat hindi yan katarantaduhan na negatibo at hindi nakakatulong sa ekonomiya, Kung may lugar lang na pwede mapakinggan ang hinaing ng mga rallyista para sa katanggap tanggap nilang adhikain at reklamo, malamang hindi sila magrarally.  Roll Eyes