Post
Topic
Board Pilipinas
Merits 6 from 2 users
Re: [MEGATHREAD] Pilipinas Coronavirus/COVID-19 Thread
by
Nellayar
on 26/04/2020, 00:22:18 UTC
⭐ Merited by LogitechMouse (4) ,cabalism13 (2)
CHED hits proposal to suspend classes until December
Medyo dito ako tutol, okay lang sana kung sa pag suspinde nila ay katulad nitong nakaraan na matik pasado ang estudyante at bahala na lang mag self study. Pero kung sususpindihin tapos madadagdagan ang panahon na sa pag aaral abay lintik. Urat na urat na ko at gusto ko ng makapag hanap ng matinong trabaho kaya gusto ko na agad makatapos, tapos magkakaroon ng ganitong implementasyon...

Although naiintindihan ko yung point kung bakit pero dapat magbigay sila ng mas malinaw na detalye ukol dito.
Wag ka nang mag aral at maghanap ka na ng trabaho Cheesy. Kahit naman hindi nakapagtapos makakahanap ka pa rin ng trabaho eh. Sabi nga ni Robert Kiyosaki "Schools are the biggest scammers" Wink.
Kidding aside, wala akong reaksyon dito sa proposal ng CHED na isuspend ang klase hanggang December dahil:

1. Kahit walang pasok may sahod pa rin ang mga guro. Guro kasi ang mama ko kaya alam ko Cheesy. Less stress para sa kanila dahil ang kukulit na ng mga bata ngayon pramis.
2. Graduate na ako ng College pero kapag nag aaral ako for example pero ganito na ung mindset ko na scammers ang mga schools, di na rin ako gaganahan pumasok.
3. Maraming tututol dito sigurado pero karamihan ng tinuturo nila ay di mo magagamit sa future. Trust me Smiley. Ang galing ko nga sa math noon pero di ko ginagamit ngayon ung mga X or Y na yan gaya ng tinuro sa akin Cheesy.

Ito lang masasabi ko tungkol sa continuation ng classes. If nakikita ng government na may risks pag binalik ang classes ng mas maaga, syempre di sila magdadalawang isip na isuspend ito. Health over Education na ang pinag uusapan dito Cheesy. Take note na ang target na time frame bago makagawa ng antivirus ang mga scientists ay 12-18 months mabilis pa un kaya magtatagal itong virus IMO.
Mukhang sa lahat ng nasabi mo bro, dito ako medyo tututol. Lahat ng bagay sa mundo ay may kahulugan kung lalapatan mo ito ng kabuluhan. Magsisilbi sayong walang kwenta ang pag-aaral kasi sa tingin mo ay satisfied ka na dahil sa trabaho mo dito. Pero para sa akin, all of us need to educate. I believe in the saying that, absence of education is ignorance and ignorance is evil.

Kahit sikat na mga taong naging mayaman na hindi satisfied dahil hindi sila tapos like Pacman and pomoy na nag-aral kahit pa successful na sila in their own field.

Hindi rin ako pabor dun sa "schools are the biggest scammers" hehe. Bakit? Kung scammer ang school walang nakukuha jan. Eh satingin ko, maraming nakukuha sa paaralan. Skills, value, social aspect and intelligence. Education is long lasting. So, kung may profit ka na nakukuha, matatawag mo ba yan na scam?

I want to emphasize bro that in your condition, masasabi mo na kahit hindi makapag-aral eh makakahanap ng trabaho. Ultimo kasambahay ngayon dapat high-school graduate na, kaya isang malaking kalokohan yan sakin. Unless na magigi kang entrepreneur or freelancer. Pero kahit nga sa field na yan, you need to be educated.

Lastly, ang x and y ang dahilan kung bakit may mga building at infrastructure. Ang math ang dahilan sa mga inventions. Try to look out the essence of education bro.

I am a licensed professional teacher kaya kung may maudlot man dahil sa pandemic na nangyayare, sana magkaroon ng paraan para mapagpatuloy ang pag-aaral ng mga bata. Kasi education is the key to success. Hindi masama na tapos ka, ang masama eh yung wala kang alam sa mundo.