Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Kaugnay na pag-aaral tungkol sa cryptocurrency
by
thebutton
on 28/04/2020, 10:06:19 UTC
1. Ano ang cryptocurrency?
Para sa akin, ang cryptocurrency ay kadagdagang mode of payment aside sa fiat na ating ginagamit na may kaniya-kaniyang convenient uses depende sa sitwasyon bilang halimbawa nalang ng international transaction na walang duda na mas mabilis sa pamamagitan ng cryptocurrencies kaysa sa traditional remittance centers.
2. Saan mo nalaman ang cryptocurrency?
Kaibigan.
3. Payag ka ba na isakatuparan ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?
Kung ang tinutukoy mo ay legalization, oo sapagkat ito'y nakakatulong ng higit lalo na sa mga naghahanap ng extrang pagkakakitaan.
4. Ano ang naging dulot sa iyo ng pag-gamit ng cryptocurrency?
Bilang isang estudyante, mas malaya at responsable nako sa mga finances ko.
5. Sa iyong palagay ano ang mga dahilan kung bakit hindi lubos na kilala ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?[/b]
Dahil karamihan sa atin ay skeptical sa makabagong teknolihiya na ito lalo na't wala itong pisikal na anyo katulad ng kinagisnan nating salapi.

Wish you luck sa research na gagawin mo. Nawa'y nasagot ko ng naaayon ang iyong mga katanungan.