Kung inyong mararapatin nais ko lang malaman ang inyong mga opinyon sa aming mga katanungan sa research na nagawa namin, gusto ko lang malaman kung ano na ba ang opinyon ng ibang tao about sa cryptocurrency ngayong taong 2020. Maari ba kayong maging respondate at sagutin ang mga iilang katanungan na ito?
1. Ano ang cryptocurrency?
2. Saan mo nalaman ang cryptocurrency?
3. Payag ka ba na isakatuparan ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?
4. Ano ang naging dulot sa iyo ng pag-gamit ng cryptocurrency?
5. Sa iyong palagay ano ang mga dahilan kung bakit hindi lubos na kilala ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?
Magiging malaking tulong ang inyong mga sagot sa naiisip kong darating na research ngayong taon kung sakaling matapos na itong pandemic virus.
@OP mas maganda siguro kung
Google Forms nalang sana ang gagamitin dito para sa mga ka-sagutan nila? Bukod sa pag-save ng oras mo sa pag-likom ng kanilang mga sagot mas magiging organisado ka pa, recently lang din ako grumaduate and to be honest this is not how you collect online surveys with, plus ang thread dapat ay tungkol sa usapan para sa topic me which I would like to discuss (dahil 7 out of 15 groups sa klase namin ay cryptocurrency based yung topic nila) at hindi para gawing survey form mo. Maybe edit your OP after you come up with a Google Form survey link trust me mas mabilis ka makakakuha ng sagot sa isang survey form and ma-kolekta yung kanilang mga kasagutan sa ganitong paraan, isa na ako sa sasagot ng survey mo.
About naman sa topic na cryptocurrency sa mga thesis medyo nagulat ako nung 7 out of 15 groups samin ay may topic na cryptocurrency and dapat on a legal point of view yung study, nakaka-surpresa kasi na way back 2018 pala may mga gumagawa na ng topic ng cryptocurrency, kayo ba ilan kayo sa class/batch niyo na may similar topic? As a result parang mas naging mahirap yung panel defense nila dahil handang handa yung mga panel gawa na din na na-discuss yung topic sakanila ng mga unang grupo. It was really a wrong move to pick a common topic dahil mas nagiging handa mga professor pag-alam na nila yung mga sasabihin mo.