Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Kaugnay na pag-aaral tungkol sa cryptocurrency
by
cml2019
on 28/04/2020, 16:46:47 UTC
Kung inyong mararapatin nais ko lang malaman ang inyong mga opinyon sa aming mga katanungan sa research na nagawa namin, gusto ko lang malaman kung ano na ba ang opinyon ng ibang tao about sa cryptocurrency ngayong taong 2020. Maari ba kayong maging respondate at sagutin ang mga iilang katanungan na ito?
1. Ano ang cryptocurrency?
2. Saan mo nalaman ang cryptocurrency?
3. Payag ka ba na isakatuparan ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?
4. Ano ang naging dulot sa iyo ng pag-gamit ng cryptocurrency?
5. Sa iyong palagay ano ang mga dahilan kung bakit hindi lubos na kilala ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?


Magiging malaking tulong ang inyong mga sagot sa naiisip kong darating na research ngayong taon kung sakaling matapos na itong pandemic virus.

1. For me ang cryptocurrency ay isang digital na pera na gumagamit ng blockchain para maging secure at desentralisado. Ito ay isa ring kasangkapan para sa ma scam ang mga walang alam na bandwagon tapos mag iinvest kuno HAHAHAH
2. Google lang. Lumabas, type of investment daw.
3. Payag syempre. Isang malaking bagay iyon kung ang ating bansa ay tatangkilikin ang crypto, ang nais ko lang sana ay ipatupad at iregulate ito ng maayos, hindi para mawala ang Peso/Fiat pero kundi magamit ang teknolohiya at mabawasan ng bahagya ang korapsyon.
4. Hindi ko naman nagagamit ang crypto. Maaari syang investment pero hindi ko pa talaga sya nagagamit ever since.
5. Ayon sa post ni Theb dito. Ang Pilipinas ay isa sa mga nangunguna sa pag angkin ng crypto, siguro sa iilang mga pinoy pero hindi ito lubos na kilala sa kadahilanang konti lang ang may access at literate sa computer at sa internet mismo. Mahal na aparato at mahal na internet sa isang third world na bansa, siguro hindi prayoridad ang ganitong mga bagay kung ikukumpara sa agrikultura.