Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Kaugnay na pag-aaral tungkol sa cryptocurrency
by
dothebeats
on 28/04/2020, 17:26:10 UTC
Hindi ko alam kung tugma ba sa quantitative research ang iyong tanong, pero for the sake of helping, eto ang mga sagot ko:

1. Ano ang cryptocurrency?
2. Saan mo nalaman ang cryptocurrency?
3. Payag ka ba na isakatuparan ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?
4. Ano ang naging dulot sa iyo ng pag-gamit ng cryptocurrency?
5. Sa iyong palagay ano ang mga dahilan kung bakit hindi lubos na kilala ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?


1. Ang cryptocurrency ay isang uri ng pera/asset na nakabase sa cryptography sa seguridad at nangangailangan ng internet bilang medium para ito ay magamit.
2. Sa isang mailing list nung 2010, at muling nabuhay ng interes sa isang meme nung 2014.
3. Hindi, sapagkat marami pa rin sa ating mga kababayan ang kabilang sa marginalized sector na kulang sa panggastos at hindi kayang bumili ng device upang magamit ang cryptocurrency.
4. Nagkaroon ako ng isang negosyo, nakakilala ng maraming tao at umunlad ang pananaw ukol sa pera, investment at maging sa inobasyong dulot ng cryptocurrency.
5. Kakulangan sa mga instructional materials, at masyadong busy ang mga Pilipino sa social media pati na rin ang mag-survive sa araw-araw.