~snip
They never disclosed why sa totoo lang, pero may pinoint silang isang transaction which I RECEIVED (or withdraw) money from a gambling address (luckyb.it hot wallet AFAIK) dun sa mismong account na yun, plus several sent bitcoins to addresses na hindi ko na alam kung saang services nakakonek dahil ang time-frame na pinakita nila is from 2015-2016. I resubmitted the necessary documents na kailangan nila: 2 valid IDs, proof of income/source of funds tapos proof of address. All in PDF form. Afterwards, sinabi lang nila in person na irereview daw nila yung status nung account at kung ano yung action going forward. A week later, suspended na yung account ko with no explanation sa email whatsoever, at gusto inadvise lang ako na if ever gusto ko makuha yung natitirang balance eh kelangan ko ng affidavit (forgot kung para saan) at ipaprocess yun within 7 business days.
Note: hindi kalakihan yung transaction na nareceive ko sa luckybit back then (2016 yung luckybit transaction, 2018 nasuspend account ko), though against kasi ito sa online gambling regulations ng Pinas. Yung nasabing site eh walang offshore gambling license from PAGCOR kaya siguro eh mainit talaga ito sa mata ng coins.ph team.
That's all I know and that's all I understood when I put two and two together. Hindi ko sure kung ano yung exact reason bakit nila sinuspend pero yung partikular na transaction from luckybit lang talaga ang inemphasize nila. I could be wrong, but for everyone's safety, kung gusto niyong maglaro eh use any other addresses muna kung magdedeposit o magwiwithdraw para lang safe.
If that is the case talagang kailangan na palang iwasan entirely yung pag-gamit ng Coins.ph BTC wallet sa kahit ano pa man na transaksyon na related sa gambling kasi baka it doesn't matter kung withdrawal pa yan or deposit kasi it will still be counted as a transaction sa kanilang part gamit ang Coins.ph wallet mo. Regarding them asking for several of transactions in the past siguro ito din ay related to gambling o di kaya kasama dun sa mga list ng activities nila na bawal. IMO wala din silang pake if part ka sa Philippine Offshore Gambling Operators (POGOs) list nila kasi medyo vague din yung pag-kakasabi nila ng prohibition about gambling.
Prohibited Uses include transaction or activities related to:
(c) Gambling: Online gambling, lotteries, casinos and informal gambling, gaming operations, sports betting, and other games of chance and forms of speculation;
Base sa pag-intindi ng prohibition nila it does not matter kung gagamitin mo yung Coins.ph wallet mo sa recognized POGO operator or hindi kasi ang purely na pinagbabawal is yung Gambling activity mismo the terms of agreement doesn't really tackle about the legality of the website. Hindi ko din mai-susugest sainyo yung method na indirectly sending/receiving any transactions from at least 1 wallet (e.g. Crypto Gambling Site > > Electrum > Coins.ph Wallet or Vice Versa) kasi mabilis lang din nila mababack-track yung transaction kahi i-daan mo pa sa isang wallet na hawak mo.