Quick Final Thoughts
Evident naman na sa past na may positibong epekto ang halving sa price ng bitcoin, so kung ano man ang mangyayari in the short term, hindi rin mag mamatter masyado. Ano tingin niyo?
May upward at downward movement talaga na mangyayari pero ang goal talaga is kung may ROI ka mula sa iyong inilaang puhunan at iyon ang aking sinasang-ayunan sa iyong pahayag.
Sa tingin nyo, tataas ba ang presyo ng bitcoin? or bababa temporarily? Alin sa tatlong scenario ang tingin niyong mangyayari sa short-term?
Patungkol naman sa scenario na iyong ibinigay, duon ako bumoto sa
"Ibang Scenario". Siguro ay hindi lang sumakto sa aking nais iparating pero naniniwala ako na may bahagyang pagtaas sa presyo at hindi iyong naturingan nating FOMO. For the longer term naman, naniniwala ako na it could triple maybe more.
Ayon sa chart sa itaas, malaki ang pinagbago ng presyo ng Bitcoin kontra Dolyar, mula humigit kumulang $700 hanggang $9000. Ang presyo na pinagbasehan ay nuong July 9, 2016 kung saan nangyari ang huling Bitcoin Halving hanggang kasalukuyan.To wrap it up, Bullish ako sa Bitcoin at hindi ko talaga pinagtutuunan ng pansin ang shorter time frame sa dahilang magulo sa utak (
HODL is life). Makikita naman natin sa chart na may potential talaga itong magbigay ng ROI, nasisigurado ko rin na hindi lang halving ang magiging dahilan ng pagtaas o pagbaba ng presyo nito pero iyon ay sa tingin ko na magsisilbing malaking parte kung saan talaga ang mundo ng crypto ay patungo.