Gusto ko lamang ishare sa inyo ang nagawa naming baby thesis ng aking mga kaklase taong 2018, ito ay tungkol sa tingin ng mga tao sa Pilipinas sa cryptocurrency at base sa output ng aming research sa 50 respondents na na interview namin.
2. Saan mo nalaman ang cryptocurrency?
4. Ano ang naging dulot sa iyo ng pag-gamit ng cryptocurrency?
Pinupuri ko ang naging baby thesis mo . Nawa ay may natutunan ang mga nakabasa nito at naging o maging maganda ang naidulot nito.
Mayroon akong kaibigan. Highschool pa lamang kami magkakilala na kami. Alam kong magaling talaga siya. Pagtungtung ng college, pareho kami ng kinuhang kurso kaya lagi ko pa din siyang kasama. Third college kami noon, napakahirap ng subjects, nagsisimula na pala siya na kumita ng crypto noon habang ako subsob sa pag-aaral. 2015 ata o 2016 ng magsimula siya. December 2016 kumakalat na sa section namin na malaki ang kinikita nya sa crypto. Hindi agad ako naging interesado kaya hindi ko ito inalam pero 2017 ng tumataas na ang price, doon na ako simulang nagtanong sa kanya kung ano ba talaga ang crypto.
Malaki ang naidulot nito sa aking pinansyal na panggastos at lalo na ng ako ay nagte-thesis. Alam naman nating kapag sinabing thesis napakagastos hindi ba ? Nagkaroon na ng time noon na hindi na ako humihinge sa magulang ko ng pera, bagkus ay nakakapagbigay na din sa kanila kahit kaunti.