Sa mga pangyayari sa kapaligiran dapat ay panahon na para maging Cashless Society ang Pilipinas subalit napipigil ito dahil sa kawalan ng kakayan ng gobyerno na iimplement ang mga kinakailangan para patakbuhin ito.
Una, ang Pilipinas ay medyo nahuhuli pagdating sa International Innovation Index na nasa
pwestong 54th.
Pangalawa, ang internet access ay medyo mahirap lalo na sa mga liblib na lugar. Kahit nga sa metro manila ay may mga lugar na walang signal at kung mayroon man ay sadyang napakahina. Kailangan pang paunlarin ang telecommunication technology at service sa ating bansa. Nasa parteng kulelat tayo pagdating sa internet speed sa
global ranking na 100th at pang 72nd pagdating sa mobile internet speed.
I wouldn't say na ang gobyerno lang ang may kasalanan dito, if titignan mo yung data na binigay ko makikita mo sa 80% na aware na tao sa ibang modes of payment 64% pa din dito ay preferred ang pag-gamit ng cash for their transactions. Kahit mismo ang Filipino ay gusto pa din magbayad gamit ang sarili nilang mga Philippine Pesos. With regards to internet access naman masasabi ko na we are getting there, If I would recall correctly 67% ng Filipino sa buong bansa ay may internet access na which is really good considering na more than half ng populasyon may access na sa internet kahit considered na developing country tayo. When the third telco comes into full operation maybe sa mga rural areas din ay ma-aaring magka-access na sa internet.
Seems you missed the last statement

, anyway 67% internet coverage is still mediocre, kung ilalaunch ang Cashless Society na sasakop sa buong Pilipinas. Ang term na "we are getting there" simply means na hindi pa talaga handa ang Pilipinas. I hope so na madagdagan ang mga telco company dito sa Pinas para maiwasan ang monopoly at mabigyan ng mas magandang serbisyo sa mas mababang halaga ang mga Filipino, bukod sa paglawak ng coverage ng mabibigyan ng access sa internet.
Hindi man maging cashless society ang Buong pilipinas at least naman sana eh tayong mga crypto users ay magkaron ng advantage.
Sana sa bawat cryptonians na pinoy na nagbabalak mag negosyo ay i consider ang pagtanggap ng Bitcoin or even other cryptocurrencies para magkaron na tayo ng kalayaang gamitin ang ating Cryptos sa mga bagay online or even hindi online hindi katulad now na lahat ng kakailanganin nating bayaran ay dapat muna tayo mag convert to peso bago maging successful .
AFAIK wala naman tayong mga batas na nag-babawal sa atin sa pag-gamit o pag-tanggap ng cryptocurrencies. As a matter of fact nga I can consider our country to be a crypto-friendly country dahil na din sa CEZA project as well as how both BSP at SEC natin ay mabilis na nakapag-adjust nung biglang sumikat ang crypto sa bansa. But kung ang sinasabi mo is about naman more businesses accepting cryptocurrencies I believe na walang kapangyarihan ang gobyerno dito maliban nalang mag-introduce sila ng tax-exemption sa VAT or subsidy encouraging producers to accept crypto wala na silang magagawa sa sitwasyon ngayon. Para sakin mass adoption will start if may proper na batas na tayo sa crypto at crypto will be more popular sa bansa natin para ma-attract na din ang mga business owners to accept it as a mode of payment.
Well said
