Kung makita niyo dun sa coins.ph group community, nakakalungkot ang daming nagtatanong kung legit iyong mga nakikitang nilang giveaway. Hayzzz. Buti na lang marunong magtanong ang iba pero kahit wala na sanang tanungan obvious naman scam iyon.
Most of the time scam yung mga giveaway na makikita natin sa facebook and talamak talaga ito kaya kung wala kang alam sa ganitong bagay paniguradong mabibiktama ka rin nila.
Sana, pero hindi sa iba hindi madali ang mag lagay ng 2FA kahit mayroon na itong guide, IIRC, meron naman silang email confirmation every time mag transact ka ng iyong coins.ph, so additional security na rin yun, posibble kaya na pati ang email ay na hack din?
Well, maaring na hack nga din ang kanyang email kaya hindi natin nakikita nagsesend ng code yung kada transaction sa video. Para sa sakin madali lang naman iset-up yun kung gusto mo ingatan ang iyong mga funds pero alam naman natin na yung iba sa atin ay tamad talaga itong gawin dahil kapante sila na safe na ang kanilang funds. And, maari nya po bang mabawi yung funds nya kung sinend din ito sa another coins.ph wallet? posible po ba yun? kaya po ba iyon matrack ng coins.ph team?