Hindi man maging cashless society ang Buong pilipinas at least naman sana eh tayong mga crypto users ay magkaron ng advantage.
Sana sa bawat cryptonians na pinoy na nagbabalak mag negosyo ay i consider ang pagtanggap ng Bitcoin or even other cryptocurrencies para magkaron na tayo ng kalayaang gamitin ang ating Cryptos sa mga bagay online or even hindi online hindi katulad now na lahat ng kakailanganin nating bayaran ay dapat muna tayo mag convert to peso bago maging successful .
Malaya naman nating nagagamit ang crypto natin a.
Di rin kasi ubra sa mga business dito sa atin ang mga direct crypto payment kasi pinaiikot ang capital. Wala silang balak mag-hold ng crypto ng sobrang tagal. Business is business. Kung crypto enthusiast siguro iyong merchant puwede. Kaya mostly makikipag-partner ang merchant sa mga crypto-processor para instant ang conversion.
Tama malaya naman tayong nakaka gamit at nakapag transact gamit ang crypto at available nga ang pag cashout nito sa ilang remittance center, At nasa may-ari ng negosyo na un kung tatanggap ba sila ng crypto as payment option sa kanila pero sa tingin ko din wala talagang balak mag hold ng crypto ang mga negosyante na maalam sa crypto dahil tiyak alam nila ang kahihinatnan ng pera nila pag pinatulog nila ito ng matagal at pano kung malasin at biglang bumagsak ung crypt nila tiyak lugi negosyo at ito ang ikakabagsak nila. Kaya always fiat ang conversion talaga nila kahit pa man dumaan it sa online processing para sa seguridad narin ng kanilang business.