Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Panahon Na Nga Ba Maging "Cashless Society" ang Pilipinas?
by
chrisculanag
on 06/07/2020, 02:25:36 UTC

Marami pa ang hindi nakaka sakay sa bagong teknolohiya ngayon at malaki din ang bubunuin na trabago upang mae sakatuparan ito, Kung gusto man ng gobyerno na mangyari ag ganitong bagay ay nararapat na magkaroon ng mataas na panahong gugolin para sa information drive tungkol sa cashless society upang madami ang maka sakay at hindi magka aberya ang pagpapatupad nito. Pero sa tingin ko malayo pato dahil marami parin sa mga kababayan natin ang prefer ang physical na pera dahil secure silang gamitin ito.
Tama ka jan , dahil di pa nga halos lahat ng mga pilipino ay nagtitiwala sa ganitong sistema. Sang-ayon ako sa sinabi mo na marami talagang panahon ang dapat ilaan ng gobyerno kung sakaling tatanggapin nila ito isa pa yung sinabi mo na mas tiwala sila sa nahahawakan kaysa online cash.

Marami rin hindi makakaafford sa cashless na sistema dahil alam naman natin na marami parang tao dito sa pilipinas na salat parin sa usaping online dagdag pa nga yung kabagalan ng ating internet na nagpapahirap sa atin lalo pa kaya sa mga kababayan natin na maralita.

There are no signs or news sa ating gobyerno that we are headed in that direction when it comes to being a cashless society at sa tingin ko hindi naman talaga nila ito priority unlike China were their own government is the one pushing for the digitization of their payment system ang tanging makikita lang natin nag-pupush sa Pilipinas sa mga digital payments is either yung mga banks natin or e-wallets like GCash and PayMaya pero when it comes to the government support wala kang makikita na tumutulong sila dito, they just let these companies do what they want and I think that's the right decision. Hayaan nalang natin yung mga commercial companies muna ang maghikayat sa kanilang mga customer sa mga digital payment options at wag muna dapat make-alam ang gobyerno sa hindi naman ikaka-buti sa Pilipinas ngayon that's why sinasabi ko na waiting game lang ito kasi we should set our expectations low about Philippine being a cashless society in the near future.
Ayun na nga po , talagang walang suporta ang gobyerno tungkol sa ganito at gaya po ng sinabi mo ang mga banko at iilan online companies lang ang nagbibigay nang ganitong serbisyo. Siguro nga po na dapat hayaan na lang natin sila ang manghikayat hanggang sa makilala ng husto ang ganitong sistema.

Yan na rin po ang nasa isip ko sa gobyerno kung sakaling pasukin nila itong sistema baka imbes nga po na mapaganda ay maging masama pa ang kahahantungan , tama ka po na bigyan ng panahon para maging maayos at hayaan na lang silang magdisesyon. Ang magandang gawin na lang po ay maghintay na lang kung anu mang mangyayari sa hinaharap.