Post
Topic
Board Pilipinas
Re: More online stores, less tax generated
by
Rosilito
on 27/07/2020, 13:01:29 UTC
Tama naman. Kung malaki talaga ang kinikita ng isang online seller, okay lang na lagyan ng tax. Habang tumatagal kasi, nag iinovate tayo kaya marami na rin ang nag o-online selling (hindi lang dahil may pandemic). Kung hindi ito lalagyan ng tax, maaaring lumipat ang karamihan online. Hindi naman kasi pag sinabing tax sa online selling ay kabilang na lahat ng nagtitinda online. Syempre, depende pa rin ito sa laki ng kanilang income. Parehas rin naman ito sa mga business physically na kailangan magparegister at magbayad ng tax. Ang pinagkaiba lang is online, so hindi dapat mag-alala o magalit ang iba about dito kasi kailangan ito para gumalaw ang ekonomiya ng bansa.

Exactly! Medyo na-threaten lang ata 'yong iba kasi bago-bago lang 'to, won't deny it, kaiirita nga naman talaga 'yong mga deduction sa sahod haha  Grin. And as usual, typical reaction na ng karamihan ang magdi-disagree agad, now na ang dami na lumipat into online business.

Yep, fair naman 'yong pagpapatong nila ng tax sa mga businesses na malalaking na 'yong kinikita. What made it the crux of the matter is that, it seems na hindi nagagamit effectively 'yong kinakaltas na buwis.  Undecided.