Post
Topic
Board Pilipinas
Re: More online stores, less tax generated
by
TheGodFather
on 31/07/2020, 13:22:07 UTC
Karamihan naman nag mga nagbebenta online malalaki talaga ang kinikita. Kaya sana ay pumayag sila na malagyan ng tax ang kanilang pagbebenta online. Well, sa totoo lang, wala naman na silang magagawa kung sakaling maisabatas na ito. Hindi naman iyon anti poor, lalo na at malaki ang kinikita nila. At ang mga maliliit ang kita ay hindi naman na papatawan ng buwis, kaya hindi kailangang mabahala ng mga nagbebenta online kung hindi naman ganon kalakihan ang kita. Ang sana lang ay magamit ng maayos at tama ang mga buwis na makokolekta, hindi lang sa mga online sellers pati na rin sa kabuuang pangongolekta ng buwis.
Yung ibang pinoy nagdisagree agad na huwag lagyan ng tax ang mga online seller.  Hindi nila nabasa na ang magbayad lang ng tax eh ung 250k up ang kita annual. Totoo ito mostly malaki ang kita ng online seller talaga kaya nararapat mayroon din silang tax. Alam naman natin malaki maitutulong din nito sa situation na kinakaharap ng bansa natin ngayon lalo na may pandemic.

Automatic rejection agad yan kasi iniisip ng mga seller eh bawas sa kita.  Sino ba naman ang gustong mabawasan ang kinikita lalo na at kakarampot lang ito.  Ang nagiging problema kasi sa atin, reject agad kapag taliwas sa sariling kagustuhan ng di man lang binabasa ang detalye.

Ang magiging hamon ng gobyerno dito ay ang income declaration ng mga kumikita.  No official receipt = no transaction, kaya ang ginagawa ng ibang nagbebenta eh di sila nagiisue ng resibo.  kya kahit na gaano kalago ang isang online business kung hindi ito magdedeklara ng tamang statistics ng negosyo nya, maaring maliit lamang sa dapat na itax ang mapupunta sa gobyerno.  Just like what the big industry out there are doing.  Grin  Parang wala namang kapasidad ang BIR to investigate at tugisin ang mga nagdedeclare ng mga maling kita.  Kaya talagang hindi magegenerate ng tamang income sa tax ang kanilang programa kahit na booming ang isang industry dahil nga sa misdeclared income.



Indeed! para lang naman sa mga online seller na 250k up yung kinikita, And im pretty sure hindi naman kasali dito yung maliliit na online seller/stores and reseller lang. to be exact sa detalye ng government na 250k up lang naman ang pagbabayarin ng tax kaya dapat di sila magworry and ireject ito. ang talagang malaking haharapin lang ng gobyerno dito ay yung income declaration which is kaya dugain/ibahin ng iba.

And para san ba yung tax? satin din naman yon lahat which is ginagamit sa ospital, lalo na ngayon na madaming nawalan ng trabaho so ang nangyare konti nalang ang nababawasan ng tax so kakapusin talaga yung gobyerno natin and tama lang din na siningilin yung kumikita online ng 250k which is good for all of us, lalo na ngayon na may pandemic.