Post
Topic
Board Pilipinas
Re: More online stores, less tax generated
by
ArIMy11
on 01/08/2020, 07:38:50 UTC
After watching the news today, isa sa napanood ko ang pagdami ng mga online stores sa bansa na hindi registered sa BIR kaya bumaba ang nakukuhang tax ng gobyerno which is kailangan na kailangan natin ngayon para pondohan ang mga kailangan pondohan tulad na nga lamang ng mga ospital ngayon para sa pandemic. Nabasa ko na rin noon ang news about sa taxation para sa mga online stores na inalmahan naman ng karamihan dahil nga yun na lang ang kanilang kabuhayan sa hirap ng sitwasyon ngayon, pero ang pagbaba ng nalilikom na tax ng gobyerno ay isa ring paghihirap sa ating mamamayan. Kaya hindi rin siguro natin masisisi ang gobyerno sa idea nito na lagyan ng tax ang mga internet services like netflix dahil sa kakulangan sa pondo.

Any thoughts about this?

Napakaraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho o humina ang kita ngayong panahon ng pandemya. Bilang solusyun, isa sa paraang naisip namin , oo isa ako sa naging online seller ngayong pandemic naisip namin na pwede itong gawing extra income para naman mayroon kaming pambili ng pagkain imbis na magnakaw kami or hindi kumain at mamatay sa gutom. Pero oo sa dami ng online seller ngayon, halos lahat na ata, hindi natin talaga magagawang sisihin ang Gobyerno sapagkat wala nga namang tax eh halos lahat pag online sell na ang ginagawa. Mahirap na mahirap na ang bansa natin. Para sa akin ayos lamang ang pagkakaroon ng tax pero sana ay huwag lamang itong samantalahin ng Gobyerno at taasin ng sobra ang kukuning tax.