Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [MEGATHREAD] Pilipinas Coronavirus/COVID-19 Thread
by
iTradeChips
on 01/08/2020, 15:27:22 UTC
and the government proceeded to anti terror and now vacine$$$$$$$$$$$$$$$$$ and debt$$$$$$$$$$$$$$$ 
Naalala ko tuloy dito yung napanood ko sa NAS Daily, yung about sa utangat paunti unting pananakop ng China. Di malabong mangyari satin ang ganun, lalo na ngayon, baka sa susunod parte n tayo ng America, bilang collateral sa utang na hindi na mabayaran.

"Bayang inutang
'di pa nababayaran
sa Mandaluyong
doon ikukulong."

Geez, Dahil sa Pandemiya lulubog na talaga ang eatado ng Pilipinas.

As for the Lockdowns, dapat Total Lockdown ung may patuloy na cases, para ng sa ganun hindi na makahawa. Tulad dito samin sa Binangonan umabot na ng 100+ pero tila mangmang pa rin ang Mayor. Dapat sa mga gantong Pulitiko pinabababa agad sa pwesto.

nakakalungkot lang na talagang sinsabi ng mga nakakarami e INCOMPETENT ang gobyerno, madaming ginagawang violations ang mga nakaupo pero wala lang, isa pa lumolobo ang kaso pero wala lang aksyong ginagawa, patuloy ang pagluwag ang ginagawa ng gobyerno where in fact ang covid nandyan pa din at hindi nawawala pero patuloy na lumuluwag yung guideliness. Nakakaawa ang pilipinas, imbis na mag focus para maflatten yung curve ang trinatrabaho ngayon is yung charter change na yan. Nakakapanlumo lang.

Kahit na may Covid 19 pandemic, may mga pressing issues pa rin na dapat gampanan ang mga opisyales ng gobyerno, hindi mo pwede ilaan lang lahat sa pagtutok sa Covid tapos yung ibang aspeto ng mandatong binigay ng taum bayan para gampanan nila ang tungkuling magkaroon ng functioning government at functioning economy eh babalewalain nalang.

Yung mga nagsasabi na "nakakarami" na incompetent ang gobyerno, saan mo nakuha ang datos na nagsasabi na nakakarami sa tao ay nagsasabi na incompetent ang gobyerno? SWS survey ba or sa kung saang diyaryo ng oposisyon mo nabasa yan? Gusto natin na masugpo ang Covid, OO TAYO DIYAN, pero mamili ka kung saan ka papanig sa kalusugan ba o sa ekonomiya. Pag naghigpit ang gobyerno, reklamo kayo wala kayo kalayaan. Pero pag niluwagan na at dumami ang nagkasakit, sisisihin parin sa gubyerno bakit nila niluwagan. Parang eng eng diba? Ang dapat na tanungin natin sa mga sarili natin, saan ba tayo lulugar, sagipin ang ekonomiya o magsagip ng mas maraming buhay sa pamamagitan ng lockdown?