Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Brazil Central Bank ay naghahanda na raw sa pag-gamit ng Digital Currency
by
Asuspawer09
on 04/09/2020, 05:23:20 UTC

Kung sa mga digital payments marami na talaga dito sa atin ,ang kakaiba lang sa kanila ay gusto ata nilang gumawa ng digital currency na gagamitin sa digital payments. 

Sila pala ang naunang gumamit ng whatsapp pay , buti na lang at nabanggit mo sa akin yan dagdag info to para sa akin.  Dun naman sa pagsuspend ng BCB hindi lang natin alam baka may kaugnayan pero maghintay na lang tayo. Ako naman nangangalap at nagbabahagi lang ng mga balita tungkol sa cryptocurrency.
Naalala ko kasi nabalita yan at nagulat lang din ako nung nag-search ako ulit, nasuspend pala. Madami rin kasi sila kapag populasyon ang usapan kaya siguro sila ang napili ng Facebook para sa ginagawa nilang payment system. Kung gagawa sila ng digital currency, hindi na kailangan yun. Local na pera lang nila tapos gagawin lang na digital. Karamihan sa mga bansa ngayon papunta na sa digitalized payment system at nauna na rin ang China dahil sila rin kilala na naunang nag-adopt ng digital payments.

Marami na rin namang mga digital payments na maaari nilang gamitin, Kahit sa Brazil, sa tingin ko hindi na nila kailangan pa gumawa ng sarili nilang digital currency kung maaari na lamang nila iadopt ang mga available currencies online tulad ng Paypal,Bitcoin etc. Dahil pamilyar na rin ang mga tao dito sa ganung currency at higit silang magtitiwala sa seguridad neto kaysa sa iba. Magiging mahabang proseso din ito kung lalo na kung ang currency ay para sa bansa lamang nila.

Dito sa Pilipinas ay nagkalat na rin ang mga online currencies, at masasabi naten na nagiging popular ito lalo na ngayon mayroong pandemic sa ating bansa, sa mga online transactions madalas nang ginagamit ang Gcash,Paypal,Paymaya,coins etc. malaki ang tulong ng mga ito kung patuloy natin maiaadopt sa ating bansa.