Totoo yan kapatid. Paano nga ba maging cashless society ang isang bansa na kagaya ng Pilipinas kung sa internet pa lang ay sobrang bagal na syempre mas pipiliin pa din ng ordinaryong mamamayan ang gumamit ng fiat dahil sa mahal ng internet tapos di pa tama yung serbisyo ng telcos. May mga areas pa na out of coverage katulad na lang ng sa akin tapos katulad ngayon pandemic need ng transactions like online banking, GCash, crypto payments at iba pang cashless na transaksyon, pagbukas mo ng app baka madoble mo pa transaksyon sa sobrang bagal magload. Wala din kasi yang adoption eh kung walang internet.
Actually di yan sa internet speed. Di namin natin kailangan ng 25mbps or higit pa para makapag send online. Kahit 1MBPS makakapag open ng app at smooth ang transaction. Depende na sa phone model kung maaccomodate nila ang app. Sa part nga ng Benguet last year nung umakyat kami, wala nga signal masyado, nakapagsend pa ako ng pera sa kaibigan sa Manila dahil may nangailangan urgent. Data ko base sa checker is less than 1MBPS.
Ang problema talaga is coverage and yun ang natumbok mo. Di naman babagal ang speed kung sakop ng wide coverage ng mga ISP at network providers. Once tamaan yan ng strong coverage ng mga ISPs sigurado bibilis ang transaction. Pero malabo pa yan sa lahat ng areas sa probinsya sa ngayon.
Dito siguro sa Manila, maisasakatuparan ang cashless society for about 80-90% coverage yan ay kung preferred ng tao.