Post
Topic
Board Pilipinas
Merits 5 from 3 users
Re: The Lightning Network FAQ
by
Bttzed03
on 15/01/2021, 09:15:36 UTC
⭐ Merited by cabalism13 (2) ,Baofeng (2) ,btc78 (1)
~
According dito naghahanap ng Pinakamura at Madaling ruta , kahulugan ba Non boss eh mamimili sya either of the 2? or priority nya ang Murang ruta ? kasi parang mahirap makahanap ng pinaka Maikling ruta at kasabay din ng Pinaka mura.
Magandang tanong. Gawan natin to ng illustration: Magbabayad si Juan kay Pedro

Scenario A
Route 1: Apat na payment channel (tx fee - 1 satoshi)
Route 2: Tatlong payment channel (tx fee - 1 satoshi)
^ Pipiliin ang route 2 kasi mas mabilis at pareho lang naman ang fee.

Scenario B
Route 1: Tatlong payment channel (tx fee - 2 satoshi)
Route 2: Tatlong payment channel (tx fee - 1 satoshi)
^ Pipillin ang route 2 kasi mas mura at parehas ang bilis.

Scenario C:
Route 1: Tatlong payment channel (tx fee - 1 satoshi)
Route 2: Dalawang payment channel (tx fee - 2 satoshi)
^ Sa pagkakataong ito, tingin ko pipiliin pa ang route 1.

Ang LN ay parang kabaligtaran ng on-chain transaction.
- On-chain: Tayo (users) ang mag-set ng tx fee at pipili ang mga miners kung sino ang uunahin nila at madalas ay yung mga matataas ang binayad.
- LN (off-chain): Node operators ang mag set ng fee tapos users ang pipili kung saan ang mas mura.

and ayon sa pagkakaunawa ko (please correct me if i'm wrong Bossing) mas applicable ang LN sa mga maliliit na transactions ?
Intended talaga ang lightning network para sa mga micro payments. Pagkakaalam ko hanggang 0.16 BTC lang ang maximum na laman ng isang channel. Kung magpapadala ng malalaking halaga ay sa on-chain na lang o kaya naman ay hati-hatiin sa malilit na halaga yung ibabayad kung gusto pa din gamitin ang LN.