Para sa akin, magkaiba yung naging bulll run noong 2017 sa ngayon. Dahil halos ng kinita ko noon ay galing sa altcoins at bounties, kasi hindi lang BTC yung umangat noon. Pero ngayon, top coins lang yung mga napansin kong nag gain talaga gaya ng BTC at ETH, meron naman din atang iba pero hindi lang ako pamilyar kasi hindi na rin naman ako nagbabounty ngayon, hindi tulad noon na halos araw-araw ay may sinasalihan akong bago.
Yung mga kinikita kong BTC sa campaigns, okay naman ang profits dahil sa pagtaas, hindi nga lang karamihan dahil dito ko rin kinukuha ang mga expenses ko kaya kunti lang ang na HODL.
Yup, para sakin iba din talaga ang bull run noon sa bull run ngayon. Masasabi kong mas maganda at mas matatag ang bitcoin industry ngayon at syempre kasama na din ang iba pang cryptocurrencies. Naalala ko pa that time January 2018 ng biglang nagboom yung mga alts na hawak ko at that time. Di ko inexpect na ganun kataas ang iaaangat kayan naman masayang masaya ako that time though mabilis din bumagsak ang value pero sulit naman.
And yes mostly top coins lang talaga ang nagsisi angat ngayon pero positive pa rin naman ako na aangat pa din ang mga alts sa mga susunod na linggo or buwan.