Hindi ba masyadong too good to be true yung offer na kikita ka sa pakikipag interact at pag upload lang ng photos and videos? So pwedeng ginagamit nila yung mga data na nakukuha nila mula sa users para ibenta. Anong masasabi nyo dito?
~snip
Meron din akong mga kakilala talaga na kakasimula pa lang sa Lyka app na 'to. Hindi rin ako sigurado kung walang mga ads dito pero mukhang wala nga din masyado o wala talagang lumalabas na ads. Kaya talagang nakakaduda na mag uupdate at magkakafollowers ka lang ay kikita ka na.
Btw, thanks sa info na 'to kasi wala din talaga akong masyadong alam sa app na 'to kasi ayoko din irisk yung personal data ko sa app na ito. Ang mahirap lang talaga sa mga pinoy, pag nakita nilang nauuso sa social media lalo na kung involve ang pera, mabilis silang maattract at maniwala.