Muling paalala lang, na wag sana nating ikalat sa karamihan ng mga kakilala natin at sa social media na meron tayong bitcoin/crypto at malaki ang kinita natin.
Bakit? May makalaman lang na isang masamang tao na meron tayong crypto holdings na may malaking halaga, e may posibilidad na may makidnap saatin o sa mga mahal natin sa buhay para dun sa crypto holdings natin.
Yes, alam ko, sobrang baba lang siguro ng chansang may mangyaring ganito(kasi in the first place marami ngang may di alam kung ano ang crypto), pero is it worth risking? Isusugal natin ang seguridad natin at ng pamilya natin para lang maipagmalaki natin ang holdings natin? Big no. Better stay humble lang, and ipagpatuloy lang natin ang pagstack natin ng sats.

Documented Physical Attacks:
https://github.com/jlopp/physical-bitcoin-attacks/blob/master/README.mdTopic: ❗ [Security] Iwasang Gumamit ng Custodial Wallets, at iba pang Security Tips
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5215182.0The $5 Wrench Attack:
https://cryptosec.info/wrench-attack/Base sa link, ang mga bitcoin related crimes na naitala ay mga progresibong bansa, marami sa mga tao doon ay may sapat na knowledge tungkol sa bitcoin. Habang ang karamihan sa mga kababayan natin ay hindi pa din fully aware kung pano ba ito gamitin kaya wala pa talagang naitatala na krimen dito tungkol sa bitcoin.
At kahit hindi crypto, hindi maganda na ipost or iflex ang malaking halaga ng pera sa social media.