Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bitcoin's price, at ang ating seguridad
by
Kong Hey Pakboy
on 24/02/2021, 14:41:24 UTC

Bakit? May makalaman lang na isang masamang tao na meron tayong crypto holdings na may malaking halaga, e may posibilidad na may makidnap saatin o sa mga mahal natin sa buhay para dun sa crypto holdings natin.

Yes, alam ko, sobrang baba lang siguro ng chansang may mangyaring ganito(kasi in the first place marami ngang may di alam kung ano ang crypto), pero is it worth risking? Isusugal natin ang seguridad natin at ng pamilya natin para lang maipagmalaki natin ang holdings natin? Big no. Better stay humble lang, and ipagpatuloy lang natin ang pagstack natin ng sats. Wink


Sobrang nakakatuwa nga ang biglang pagtaas ng presyo ng Bitcoin, kung iisipin, isang taon lang ang dumaan mula nung malugmok ang mga nag-invest dahil sa pagbaba nito, ngunit grabe naman ang pagtaas ngayon.

Sa totoo lang, risky nga rin kung ipapangalandakan mong malaki ang kinito mo mula sa pag-invest, kaya dapat na kung gusto mo talaga na makatulong mga tao sa paligid mo, hindi naman talaga kailangan na sabihin pa miski ang amount. Mabuti na hikayatin na rin sila at turuan kung paano nga ba, nang makatulong sa kanila sa ibang paraan.