Depende pa din po kasi sir, yung iba kasi madami ng team so malaki yung reliance nila dun plus kung may pera ka naman na pwede ka naman magbreed at magbenta plus mahirap sabihin na mawawala yung Axie Infinity anytime soon kasi almost 3 years na sila and the developers are active in Discord, madami pa kasi silang idadagdag sa laro besides the conventional farming. Tsaka tama ka sir dapat consider it as a side job kasi kaya na makuha ang quota within 2 to 3 hours if medyo malayo ka na sa adventure.
Yeah, nakuha ko ang point mo dyan kasi meron din akong mga nababasang story ng iba sa socmed tulad ng isang OFW sa Taiwan na nagpaalam sa kanyang employer na uuwi na rito sa Pinas for good dahil nga sa may ipon naman sya at balak nya ng mag full time sa Axie na tulad nga ng sabi mo na why not naman kung magbuo ng sariling skolar program at bumuo ng sariling team kung kaya naman.
Malaki naman ang tiwala ko sa game na ito, alam kong pang long term ito, malayo pa ang lalakbayin nito. Kaya nga anlaki ng pasasalamat ko na nagkaroon ng ganito at pati yung mga kaibigan ko ay nagagawa kong matulungan upang makapasok din sila sa ganitong oportunidad.