Mahirap makahanap ng permanenteng pagkakakitaan sa crypto at malay natin yung mga NFT games na magiging stable at dahil sa dami ng players, ito yung magtataguyod sa laro kaya tatagal tulad ng sa Axie na alam nating patok sa bansa natin. Pero hindi ko sinasabi na ituring na laro yan, goods siya bilang side line o part time tutal wala naman masyadong pagkakaabalahan o kung meron man, pasok parin naman sa oras kasi nga ilang oras mo lang lalaruin. Tama kayo mga kabayan, hangga't merong opportunity, mag stay lang basta aware tayo na ganito ang estado natin sa crypto. At habang kumikita, pundar pundar lang din ng mga investments at assets na pwede ding magbigay ng passive income.
Para sa akin naman bro, NFT gaming like Axie is still a game for me, nagkataon lang na skolar ako kaya wala talaga akong binitawan na initial capital o investment para makapagsimula sa larong ito. Ang kaibahan lang nito sa ibang laro ay meron tayong nakukuhang rewards sa paglalaro nito. Ayaw ko isipin na its all about money lang kasi importante pa rin na i-enjoy pa rin yung game as libangan. Oo alam ako, may involve itong pera lalo na sa mga investors, pero sa ibang katulad naming may inaasahan na sinsabi ko rin sa mga kaibigan ko ay baka pag inisip lang lagi ang pera ay baka dumating sa point na hindi na makuntento.
Life-changing talaga ang pagpasok ko sa crypto dahil pamilya, relatives at mga kaibigan ko rin ay natutulungan ko, hindi lang sarili ko. Hindi lang in terms na kumita kundi pati na rin yung mga knowledge na dapat nilang malaman, yung mga simpleng basic informations para makaiwas sila sa mga scams online na related sa crypto. Kaya thankful din sila kasi meron akong nasishare sa kanila.