Buti na lang pala binalikan ko ang thread na ito. Salamat sa mga sumagot. Dalawa kasi sa mga kakilala ko ang susubok kasi na magapply as scholars sa game na iyan. Buti kamo at merong axie na pwede pagkakitaan habang naglalaro. Nabanggit mo nga lang na may quota system ang ibang mga mayari kaya na intriga ako doon. So meron posibilidad na pwede magbabad ng ilang oras kada araw ang isang scholar sa laro para lang makuha ang quota tama ba?
Ang minimum na quota ika nga ay nasa 75 slp, Kung yang quota lang na yan ang pagbabasehan, Gugol ka din pag palagay natin na 1-2 oras. Pero kung ikaw ay may gusto talagang ma achieve, sabihin nating gusto mo talagang kumita at makapasok sa Leader board. Maglalaan ka talaga ng oras dito para pag aralan ang strategy na pede mong gawin o gamitin at makilala ng husto ang sariling mong axie.
Medyo mahirap umakyat sa leaderboard kabayan at naka depende lahat yun sa mga Axie mo. Kahit na kabisado mo na ang cards and techniques ng mga Axie mo kung mahina ang purity at cards ay talagang mahirap yun e achieve.
Lalo na ngayun na mukhang nahihirapaan umakyat kahit na pure ang mga Axie mo kasi panay magagandang chops na Axie ang nag hahari sa leaderboards.
Anyway, may update na ba si OP at naka kuha naba sya ng scholarship?