Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Pagpasok ng Tao Sa Crypto
by
iTradeChips
on 26/09/2021, 22:28:17 UTC
Well, simula naman noong nahigitan ng Bitcoin ang dating ATH nito ay maraming nang naging mga FOMO na tao. Sila yung mga nagsisisi at hindi sila naginvest sa crypto noong mababa pa ang halaga nito. Hindi rin naman natin sila masisisi eh I mean talagang madugo naman na ang lakaran sa crypto noon pa man. Maraming naiscam at maraming naloloko pero marami ring nananalo sa kanilang mga investments. Ang pwede nalang natin gawin sa ngayon ay maging informative sa crypto. Lalo tayong magbasa at magsaliksik tungkol sa crypto para sa ganun hindi tayo makagawa ng mga maling desisyon pagdating sa investements ng crypto.

Tama yan kabayan, mostly talaga simula nung una pa lang nadadala na talaga ang mga tao kapag usaping pera na, lalo na kung malaki talaga ang kikitain. Sa biglaang paglipad ng Bitcoin from $20,000 to $60,000 napakaraming tao ang namangha at nagsimula na rin mag-invest dito, ngunit marami pa rin ang nalugi kasi nga sa tuwing magbabago ang presyo nito sa market, nagbaback out agad sila kasi baka daw mawala lalo yung pera nila.

Naalala ko tuloy yung isa sa mga kaibigan ko na nagsisi at hindi nakapasok ng maaga sa crypto. Isa siya sa mga kasama ko sa mga bounties noong 2017 pero hindi rin nakapagipon ng perang gagamitin sa crypto kasi sila yung tipong maraming binubuhay ba. Ang sentimiento niya ngayon ay sayang daw kasi mas matatagalan na niya makukuha ang magandang profits kung ngayon siya bibili. Example, kung bibili siya ngayon na 42,000 dollars ang presyo, maghihintay siya na maging 84,000 dollars ang presyo ng Bitcoin para lang mag 2x or times two ang investment niya. Unless ang investment niya ay 4 million pesos sige kaya niya gawin yun pero siya yung tipong kaya lang maginvest ng 50000 pesos kung darating ang panahon na iyon. Ang sabi ko lang invest kalang sa Bitcoin wag mo tignan ang presyo.