Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Filipino crypto users
by
chrisculanag
on 15/10/2021, 15:41:29 UTC
hindi dahil nasa forum meaning crypto user na , marami ditong nag try gumawa ng account para lang matuto tungkol sa crypto pero since hindi ganon kadali eh mas ginusto nalang lumabas at bumalik sa ibang profiteering.
Marami akong kilala na nag register dito sa forum pero hindi sila active parang kumuha lang ng impormasyon, at marami din ako kilalang trader at crypto user na hindi naman alam itong forum. Katulad na lang ng gc namin sa fb na puro traders pero iilan lang ang merong account dito.

Kaya hindi natin malalaman kung ano na ang porsyento ng crypto users dito sa atin base lamang sa mga new pinoy users dito sa forum kasi hindi naman lahat ay aware. Sa tingin ko naman dumadagdag ang bilang, hindi na rin naman bago sa pandinig ng ibang pinoy ang bitcoin lalo na ngayon na ang coins.ph marami na gumagamit.
Totoo yan , di naman lahat ay nakadepende lang sa forum kaya hindi talaga makukuha ang kalahatan bilang ng mga crypto users pero dahil na rin sa tulong ng forum ay nalalaman natin na marami rami talaga lalo na ngayon tumataas na naman si BTC. Asahan na lang natin na marami pangmadadagdag na mga tatangkilik sa crypto lalo na halos work from home na lang ang iilan.

Isa na rin ang mga online wallet sa mga nagbibigay sa tao na pasukin ito , alam naman natin na ang coinsph ay napakalaking tulong sa atin especially sa mga gusto kumita ng extra like loading ,pay bills at marami pang iba. Pero syempre kung simpleng gumagamit ka lang ng coinsph mapapaisip ka narin kung ano ba tong BTC o ETH na ito , at iyon ay siguradong hahanapin niya at nang magkaalam na sa mga paraan kung paano kumita sa crypto doon ay magiging isa narin siyang crypto users na tulad natin.