Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bilyonaryo dahil kay BTC
by
rhomelmabini
on 28/10/2021, 03:38:32 UTC

Sa dami ng masasamang loob sa bansa natin mabuting manahimik at itago na lang yung mga ganyang impormasyon, napakalaking halaga nyan ngayon sana lang patuloy na naitatago nung totoong may ari ung pagkakakilanlan sa kanya para safe sya at ang buong pamilya nya. hindi masamang magshare pero sana iniisip din ung kapakanan mo or nung buhay ng taong nagmamay ari ng wallet na yun.

Sa ngayon wala pa namang impormasyon patungkol sa pagkatao nung may ari ng Bitcoin wallet address, malamang kung paanong kinakabahan tayong nakikiusi lang ung may ari nyan eh talagang doble and pag iingat sa buhay nya.

Sa panahon ngayun traceable na ang identity na naka attach sa address oras na ma expose ito kaya need mo talaga maging discreet, at bukod pa doon hindi recommended na isang wallet lang ang storage mo at nasa phone mo pa ang lahat ng assets mo, kung malaki halaga dapat hardware wallet na ang gamit dapat din talaga sa mga Crypto investors maging financial literate din para maingatan nila ang assets nila iba kasi tingin pag investor ka sa Cryptocurrency.
Better na use mixers at kung maari lang gumamit ng Monero kasi talagang wala pa ring tatalo sa pagiging anonymous nito as a coin. Recommended talaga na hardware lalo na kung million na yang hawak mo sa halagang 5k-10k pesos worth ng magkaroon nito kesa pagsisihan mo pa lahat kung mawala man. Not assurance na hindi ka ma-hahack dahil may hardware wallet ka pero paraan lang ito sa ekstrang seguridad.