Ang problema pa dito, kamaganak mo ang scholar mo kaya medyo masakit kung tatanggalin mo. Advisable talaga magkaroon ng strict rules para kahit kamaganak mo eh mapaalis mo lalo na kung hinde naman talaga nagpeperform ng mabuti. Last warning ko naren ito sa mga scholar ko na pagbelow 800 MMR paren sila and 0 SLP for 3 days, out na talaga sila agad.
Totoo yan kaya ako bago ko ipascholar, tinatanong ko ng maigi tapos pinapakita ko yung team bago ko ipalaro. Katulad kagabi may isa sana akong aspiring isko na matagal na naghihintay, yung unang team na pinakita ko triple plant at chops na goods naman kaso tumanggi baka daw bumaba ang mmr at walang slp kaya sakin ok lang kaya sa iba ko na binigay. Tapos kagabi nagpakita lang ako ng dalawang aqua na gagamitin niya kasi kulang pa yung team, kaso ayun may isang chops na card sa isang aqua lang naman tapos tinanong ko kung ano sa tingin niya, ang kaso naman ayaw pa rin kasi daw ganito ganyan, daming rason kaya tama na yun. Dalawang beses inalok, pangatlo wala na, sa ibang mas deserve na isko nalang.