Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bitcoin, papalo ba sa $100k ??
by
blockman
on 13/11/2021, 01:49:50 UTC
Huwag lang manghinayang kapag nakapagbenta na kasi dyan nagsisimula kapag naisipan ng iba na sayang na nagbenta sila ng maaga kahit na kumita naman sila. Yan lagi kong iniisip na kapag nagbenta na, di ko nalang iniisip yung susunod na mangyayari kasi ang mahalaga, kumita naman.

Ganito dapat talaga , binitawan mo na hanap ulit nang hahawakan . Natural naman talaga satin na manghinayang pero anu pang panghihinayang natin kumita naman tayo , mas mahinayang tayo kung nakabili tayo ng mahal tapos benta mo ng mura ,diba masaklap.Kaya mas mainam na lang talgang maginvest sa mga alam mong posibleng umangat gaya ng BTC at marami pang iba sa cmc. Pakonti konting ipon ng BTC malay natin mareach niya agad tong nais natin, antay lang tayo darating din itong ninanais natin.
Yan din isang rason nangyari sa akin dati nasa isip ko na nanghinayang ako pero nung nag tagal ok lang pala kahit naibenta natin ng maaga kasi di naman natin alam kung ano talaga mangyayari sa susunod. Kasi kapag naibenta natin ng mababa nanghihinayang tayo at kung na hold naman natin ng matagal at hindi naibenta at bumagsak bigla nang hihinayang din tayo. Kaya nga kung umabot man ang bitcoin sa 100k wala na tayo magagawa if kung wala man tayo na hold or naibenta.
Oo, ganyan lang talaga dapat isipin kesa mag isip ka ng mag isip na dapat hindi mo binenta kasi nga tumaas. Ma-stress ka lang, kaya ok lang at bawi nalang sa mga susunod na price increase. Kaya dapat kapag nag benta ka, wag yung isang buohan kasi nga baka mas tumaas pa price kaya pwede ka pa ulit magbenta. Pero kung nasa sitwasyon ka na wala kang pagpipilian at kailangan mo talagang magbenta, mapapabenta ka lang talaga.