Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bitcoin, papalo ba sa $100k ??
by
blockman
on 19/11/2021, 09:25:05 UTC
nasa $60k pa tayo, pero bumaba na tayo, sa Binance - https://www.binance.com/en/trade/BTC_USDT... nasa 58,373.00 usd ang 24 hours low.
Sa mga panahong ganito na kung saan bullish ang market ng more than a year, parang kinakabahan na ako na baka darating na ang bear season.
Yan din ang kinakabahala ko pero mas malaking correction naman na nangyari sa bitcoin di ba nung nakaraan na umabot ng $28k. Kaya kung itong correction ay hindi ganun kalaki at above $50k pa rin naman, di pa ako magwo-worry. Pero hindi rin talaga maalis sa isipan na kapag bumaba ang price, parang bear market agad ang pumapasok sa isipan natin kasi nga sobrang laki ng binaba. Hangga't okay pa rin naman ang price niya at above $50k, tingin ko bull market pa rin tayo, at mas bullish ngayon lalo na sa ibang mga balita na nakikita ko.

Di pa masyadong nakakapangamba kung nag stay pa ito sa $50k price mark pero kung bumaba ito hanggang $40k or mas malala pa dyan at aabot sa $30k for sure marami ang mag papanic dyan dahil possible maulit ang mahabang bear season gaya nung nangyari nung mga nakaraang taon. Pero since alam naman natin ang outcome pag dumating sa ganyan e tiyak yung hindi magpapanic yung maalam sa crypto at e take nila as opportunity na bumili habang mababa pa ang presyo at nag papanic ang mga tao.
Nung nakaraan mas bumaba eh, $28k ata pinakamababa nun pagkatapos umabot ng $62k. Kaya yung nangyayari ngayon, ok pa rin naman siya kung titignan natin. At siguro kung ito na yung pinakamababa ay $55k, pu-pwede pa rin yang bumaba hanggang $50k. Mas alarming lang talaga kapag bumaba na siya sa $50k kasi nga maraming umaaasa na re-recover na yan sa susunod. Tayong medyo naka-experience na ng sobrang baba at sobrang taas, sabay lang din naman tayo kung ano ang mangyayari pero sa mga baguhan, sila ang mas nag-aalala kasi baka nga bumili sila nung medyo mataas pa.