Lahat ng banko sa Pilipinas ay regulated ng BSP, so hindi pwedeng mag restrict ang isang banko na hindi naaayon sa policy na galing sa BSP. Konte lang naman ang banko ko, kaya di ko masasabi na okay ang lahat, pero so far sa dalawang banks na gamit ko, never akong nagkaroon ng problema sa aking cash out from coins.ph direct mismo sa banks. BPI, China Bank, and minsan pa nga Eastwest.
Nope kabayan. May power ang banko na magrestrict ng isang policy kahit di galing sa BSP. Kagaya ng qinoute mo na post, ang BDO ay mahigpit talaga sa mga crypto-related transactions at proven na nagsasara sila ng accounts related dyan dati pa. Kaya nga ginawa na nilang policy na di na sila tatanggap ng crypto-related transactions kahit PHP pa ang funds basta between crypto exchanges.
No need ng basbas ni BSP dyan dahil di naman regulated ang crypto dito sa atin.
Maganda sana kung merong mga announcement na galing mismo sa BDO para mas official. Kasi sa pagkakaalam ko, based lamang ito sa experience ng mga users, siguro hindi naman lahat ng depositors ng BDO na may crypto transactions ay na advice na mag close ng account, correct me if I'm wrong kabayan, pero yan ang pagkaka intindi ko. Saka bakit naman mag close ng crypto accounts ang BDO kung hindi naman nito na violate ang BSP rules, di ba gusto nila ng deposits?