Isa rin yan sa mga dahilan ang pagbaba taas ng halaga ng cryptocurrency. Dun naman sa tax maraming paraan yan lalo na gumagamit tayo ng iba't-ibang wallet na pinapatakbo sa Pilipinas. Gaya nga ng sabi medyo malabo pero kung hahanapan nila ng paraan para magkapondo ang bansa madali lang yan. Tungkol naman sa Gcash at Paymaya tignan na lang muna natin yung pwedeng mangyari think positive lang muna tayo lalo na good news satin yun kung masasakatuparan. Nasanay na tayo sa paulit ulit na masamang balita na laging Bitcoin ang nabubungad.
Sana makahanap ng magandang way ang government para sa proper taxation and tungkol naman sa paymaya at gcash well-known business naman sila dito sa bansa natin so madali na sa gobyerno natin na mahanapan or magawan ng paraan kung paano sila itatax if ever na talagang ioffer nila ang crypto sa service nila.
Think positive and ang reflection naman nyan pag naging matagumpay eh para din naman sa ating mga crypto users and syempre may makukuha din ang agbyerno kung talagang pag uukulan nila ng panahon na hanapan ng paraan.
Malamang na makakahanap yan sila ng paraan basta usapang buwis saka gaya nga rin ng sabi mo na ang dalawang apps na yan kinikilala sa Pilipinas kaya hindi na malabo na mangyari yun. Ang gawin na lang natin mag abang ng resulta nito. Tapos dun na natin malalaman kung suportado na ng bansa ang cryptocurrency.