Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Kulang ba sa support ang government natin sa cryptocurrency?
by
blockman
on 16/04/2022, 22:41:39 UTC
Malamang na makakahanap yan sila ng paraan basta usapang buwis saka gaya nga rin ng sabi mo na ang dalawang apps na yan kinikilala sa Pilipinas kaya hindi na malabo na mangyari yun. Ang gawin na lang natin mag abang ng resulta nito. Tapos dun na natin malalaman kung suportado na ng bansa ang cryptocurrency.
Pag nagte-trade ako, pinapadaan ko pa naman sa gcash. Napaisip tuloy ako about sa taxation kasi nga posibleng gamitin yung mga records natin para sa taxation kapag meron ng nararapat na batas. Pero usually naman kapag may batas na, yung dates forward na ang masasakop nun at hindi kasama ang past. Wala rin naman tayong magagawa pero hanggat may alternative, doon tayo pupunta siguro at yun yung magiging option natin basta convenient naman. Ngayon, gcash rolling na yung sa crypto pero kapag related sa crypto ang paggamit ko, hindi ko siguro ipapadaan direkta sa gcash.
Exactly.

Not applicable na patawan ng tax ang past transactions kung sakali man na magkaroon nga ng tax regarding about cryptocurrency. Pero for sure napakatagal pa nyan kasi kailangan talaga nila aralin kung paano nila lalagyan ng tax yung cryptocurrency. Matagal na nilang pinag-iinitan yan pero until know hanggang sabi lang naman sila. Kaya sa tingin ko mahabang assignment gagawin nila para magtagumpay sila
Kailangan talaga muna nilang pag-aralan. Kung tutuusin pabor yan sa gobyerno kasi panibagong paraan yan para makakuha sila ng tax sa mga tao.
Kahit na unregulated ang mismong crypto market, pero sa mga outlets at exchanges, lumalabas ang mga pera ng mga pinoy at doon sila pwede magbantay at maghanap ng pwedeng itax sa atin.