In my case oo, walang notification basta sinilip ang account ko at binaba ang withdrawal limit. Kung alam mo naman na walang kang na violate at nakipag cooperate ka sa kanila, most likely ibabalik ulit sa dati yan.
Pasa ka lang ulit ng mga documents, although talagang mabusisi sila, konting may nakita sila sa documents mo, ipapaulit nila to sayo hanggang ma satisfy ang mga nag rereview nito.
Para sakin, Hindi na worth it mag paulit-ulit na magsubmit ng documents para lang masatisfy sila lalo na't from a gambling platform yung deposit mo sa coins account. Medjo maghigpit na sila sa halos lahat na bagay mapa documents or ToS nila. After 2 weeks lang ng pagkakasali ko sa campaign ko ngayon, nagkaroon agad ako ng notification for enhance verification. Nagtry naman ako magsubmit ng mga documents like ID and address verification like payslip pero nireject nila yung payslip document ko for address verification (level 3). Official payslip digital copy ito from my company pero nireject nila kaya hindi ko na sinayang oras ko to comply for resubmit.
I suggest na gawing reserve na lang yung coins.ph for transaction at gamitin ang ibang platform para sa mga major transaction nyo makaavoid na rin sa abala.
I highly recommend Abra wala silang fees kung sa banko mo itatransfer, meron ding over the counter kaya lang limitado sila sa Tambunting money teller at need mo i research kung saang malapit na Tambunting na nag tatransact sa akin sinuwerte ako na merong malapit na Tambunting kaya doon ako palagi nag cacashout, ingat nga lang pag set up ng account di sila tulad ng Coins,ph na pwede mo i recover ang account through verificationsa Abra may seed phrase na ibibigay sa yo wala silang web based Phone application lang di tulad ng Coins.ph.