Experienced na kasi ang basehan nila sa pagsabak sa market kaya nag iingat sila baka masunog ang pera nila, pero gaya din ng sinabi ko sa taas na reply ko kabayan, ung nag sscalp at nag dadaily trading medyo meron pa rin naman medyo matakaw lang sa oras.
Maganda talaga ang scalping lalo na kapag bear market. Kung sakali kasing bumagsak ang presyo after natin makabili ng cryptocurrency, hindi nakakapanghinayang na mag cost averaging dahil alam natin in due time ay tataas.
Karamihan sa nagsscalping ay by percentage ng fund nila ng pagbili. Hindi sila nagaall-in dahil sa risk na pwedeng biglang taas ang presyo ng tinitrade nila. Kaya kung sakaling magkaroon ng trend ng market opposite ng inaasahan nila, meron pa rin silang pang budget para ipangpasok para sa window ng price frame na iyon.
Maganda rin sana kung may bot para automated na ang din ang scalping, set set lang tapos ayun na, pwede ng iwan at magset na lang ng notification kapag me mga unexpected na mangyayari.
Mahirap mag all-in pag bear market lalo na kung scalping ang gagamitin mong strategy, napaka volatile ng market kaya yung short span ng pump or ng dump talagang lalamunin yung investment mo, maganda yung tipong meron ka lang allocated na budget para sa trade mo from time to time at medyo hiwahiwalay yung timing ng pagbili, lalo na yung timing na bagsak ng bagsak yung value ng crypto.
hindi ka masyadong kabado kung dahan dahan lang at hindi sabay sabay yung pagbili mo, bumagsak man h yung mindset mo dapat opportunity yun na bumili pa para lalong lumaki yung kikitain mo sakaling bumalik at mag pump pataas yung presyo.