Actually gumalaw ng konti ang presyo ng merkado halos mag $2k sila at na reach naman ng BTC eh $22,500. Kay lang talaga ang announcement patungkol sa CPI ang naka apektado nitong mga nakaraang araw kaya madugo na naman market at hindi na rin natin naramdaman ang ETH merge.
So balik na naman tayo sa lower bound ng $20k, actually below na naman nga ngayon kaya baka sa iba maiinis na makita ang presyo pero ganun talaga dahil nasa bearish cycle pa tayo.
Tingin ko nga sa market parang maglalaro na lang yan sa sideway range na $20k - $22k unless meron talagang major event na magbibigay ng hype ng BTC, which can possibly transition the bear market to bull market. Pero sa narinig ko from Bob Loukas (di ko lang mahanap ang link ng video ) matatapos ang 2022 na bear market pa rin, possible getting ready to transition sa 2023. So mahaba haba pa nga itong lalakbayin natin na bear market kaya medyo mahaba pa time natin para magaccumulate.
Yes, most likely bear market parin tayo this year, katulad na katulad ng nangyari nung 2018. For sure tanda nyo pa yan kasi ako ramdam ko ang bear market na yun hehehe. I mean first time ko na makaranas at hindi ko alam ang gagawin. Kaya ngayon iba na or at least karamihan satin ay nag gain ng experience at ang mature kung paano haharapin ang ganitong cycle. Katulad ng sabi mo, accumulation phase tayo, meaning, ipon ipon hanggang kaya natin para pag pasok ng 2024 eh busog na ang wallet natin at sasalungin natin ang bull run na excited tayo.