Yes, most likely bear market parin tayo this year, katulad na katulad ng nangyari nung 2018. For sure tanda nyo pa yan kasi ako ramdam ko ang bear market na yun hehehe. I mean first time ko na makaranas at hindi ko alam ang gagawin. Kaya ngayon iba na or at least karamihan satin ay nag gain ng experience at ang mature kung paano haharapin ang ganitong cycle. Katulad ng sabi mo, accumulation phase tayo, meaning, ipon ipon hanggang kaya natin para pag pasok ng 2024 eh busog na ang wallet natin at sasalungin natin ang bull run na excited tayo.
Medyo di ko nadama iyong bear market way back 2018, medyo naging maganda kasi ang cryptocurrency venture ko during the bull market. Almost lahat ng investment ko during those time ay naibenta ko with profit kaya medyo naging hayahay noong panahon ng 2018, kaya di ko gaano napansin pagpasok ng bear market.
Pero this time medyo mabigat ang bear market dahil nga sa dumaan ang pandemic, iyong mga funds na inaasahan natin ay nagastos natin sa mga pangangailangan sa pang-araw araw. Tapos sobrang taas ng inflation lalo na noong nagkagyera between Russia and Ukraine, malayo man sa atin dama natin ang epekto dahil nga sa mga kalokohan ng mga kapitalista dahil sigurado namang naghoard sila ng langis para palabasing apektado tayo.
Hopefully sa pagaccumulate natin ng mga potential cryptocurrency ay magkaroon ito ng magandang profit sa pagpayagpag ng bull market.