Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph suspended my account without valid reason
by
jakelyson
on 18/09/2022, 22:47:11 UTC
Sige sige try ko yan, hindi ko kasi binago yung settings ng binance ko kaya rekta pa rin sa spot tapos lipat na lang sa funding wallet para ma-P2P. Hindi naman sya hassle pero siguro kung cashout naman purpose at hindi trading, mas magandang iset ng ganyan para rekta na agad.

Yes, tama yan kabayan, although madali naman mag change ng wallet from spot to funding and vice versa, pero kung papasok ka lang sa Binance para sa P2P na ma cashout sa Gcash or kahit bank transfer, mas recommended na palitan mo ang pasok sa wallet mo na rekta na agad sa funding.

Kasi sa kin eh madalas eh ang gamit ko desktop. Tapos nung nag try ako mag mobile medyo nahirapan ako at medyo nagtagal  kasi hindi ko makita agad kung saan ang spot->funding.

Medyo malaki nga ang pagkakaiba ng mobile app sa web app nila. Ako din minsan di ko makita agad ang hinahanap ko sa mobile dahil nasanay na ako sa desktop na browser lang ang gamit. Pero dahil kadalasan may biglaan akong kailangan, kaya medyo nasanay na rin ako gamitin ang mobile app ng binance. Convenient kasi gamitin ang mobile app dahil lagi naman dala ang phone. So, kung bigla ako nangailangan ng pera o biglang may magandang trade, handy yung sanay ka na gamitin ang mobile app.