~snip~
Kasi sa kin eh madalas eh ang gamit ko desktop. Tapos nung nag try ako mag mobile medyo nahirapan ako at medyo nagtagal kasi hindi ko makita agad kung saan ang spot->funding.
Medyo malaki nga ang pagkakaiba ng mobile app sa web app nila. Ako din minsan di ko makita agad ang hinahanap ko sa mobile dahil nasanay na ako sa desktop na browser lang ang gamit. Pero dahil kadalasan may biglaan akong kailangan, kaya medyo nasanay na rin ako gamitin ang mobile app ng binance. Convenient kasi gamitin ang mobile app dahil lagi naman dala ang phone. So, kung bigla ako nangailangan ng pera o biglang may magandang trade, handy yung sanay ka na gamitin ang mobile app.
Mas madali talaga hanapin halos lahat sa web app nila compared sa mobile since halos lahat nasa website at hindi ka mahihirapan hanapin yung mga dapat mong pindutin like yung paglipat ng spot to funding. Kahit mismo sa trading side ng Binance, sobrang convenient kapag sa website ka magtrading compared sa mobile application. Pero kung medjo sanay ka na sa mobile application nila, hindi ka na masyado mahihirapan lalo sa pagtransfer ng funds.
Anyways, Tanong ko na lang din about sa Binance, yung account ko kasi parang may nag-aaccess or gustong mag-open kasi paminsan-minsan ako nakakareceive sa email ko ng notification about attempted log-in. May na-experience na rin ba kayong ganto? Natry ko na mag-change password at may 2FA naman ako pero nakakabother lang.