Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph suspended my account without valid reason
by
budz0425
on 20/09/2022, 17:45:09 UTC
Mas madali talaga hanapin halos lahat sa web app nila compared sa mobile since halos lahat nasa website at hindi ka mahihirapan hanapin yung mga dapat mong pindutin like yung paglipat ng spot to funding. Kahit mismo sa trading side ng Binance, sobrang convenient kapag sa website ka magtrading compared sa mobile application. Pero kung medjo sanay ka na sa mobile application nila, hindi ka na masyado mahihirapan lalo sa pagtransfer ng funds.

Anyways, Tanong ko na lang din about sa Binance, yung account ko kasi parang may nag-aaccess or gustong mag-open kasi paminsan-minsan ako nakakareceive sa email ko ng notification about attempted log-in. May na-experience na rin ba kayong ganto? Natry ko na mag-change password at may 2FA naman ako pero nakakabother lang.

Yes, agree ako dyan. mas madali talaga gamitin pag web browser kaysa sa app, sa totoo lang may app ako pero never ko pa nagamit kasi mas sanay ako sa web mag trade.

Yung tungkol sa sa experience mo regarding may naglolog in sa account mo, hindi kaya delay lang yung dating ng email sayo? incase naman may nag aattemp palagay ko safe naman yan as long hindi mo binibigay ang password details mo, at safe yan palagay ko since nilagyan mo na ng 2fa.